MENU
Ang BJMP MIMAROPA ay kaisa ng bayan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
 
Lubos na kinikilala ng kawanihan ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maipalaganap sa higit na nakararaming mamamayan ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng paligsahan sa "Pagwika ng mga Tula" at pagbubukas ng "Palarong Pinoy 2021" kalahok ang mga bagong kawani ng BJMP.
 
Pinangunahan ito ni J/SSUPT MARIA IRENE A ESQUINAS, Pang-rehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya sa rehiyon ng MIMAROPA.
 
Ang pagdiriwang ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Bilang 1041, taong 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambasa tuwing Agosto 1-31.
 
[powr-media-gallery id="8cf23c06_1629273473060"]
 
BJMP MIMAROPA JO1 TRAINEES PHOTOGRAPHY CONTEST 2021
 
Bilang suporta sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ating tunghayan ang bawat kwento ng mga larawan ng ating mga bagong kasamahan sa kawanihan, ang mga Jail Officer 1 trainees.
 
Iboto ang iyong paboritong kalahok sa pamamagitan ng pagbibigay reaksyon sa bawat larawan (❤😮👍🤗) mula Agosto 9 hanggang Agosto 12 ng tanghali taong 2021.
 
[powr-media-gallery id="b768e217_1629273531602"]
 
BUWAN NG WIKA 2021 - PALIGSAHAN SA PAGGAWA NG POSTER
 
Kasabay ng pagdaraos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, nagpakita ng galing ang ating mga Jail Officer 1 Trainees sa pag-guhit at pagbuo ng poster kaugnay ang nasabing pagdiriwang.
 
Narito ang ilan sa kanilang mga obra.
 
[powr-media-gallery id="a29979d6_1629273587360"]
 
BUWAN NG WIKA AT PALARONG PINOY 2021
 
Nagpatagisan ng talino ang mga Jail Officer 1 Trainees sa naganap na Quiz Bee na bahagi pa din ng Palarong Pinoy ng BJMP MIMAROPA.
 
Mula sa dalawampu't siyam na kalahok, sampu ang naglaban sa huling bahagi kung saan tatlo ang binigyan ng parangal. Narito ang kanilang mga larawan.
 
[powr-media-gallery id="feaf308d_1629273627400"]
 
Isang CHESS COMPETITION ang nagaganap sa BJMP MIMAROPA sa pagitan ng Alpha At Bravo Company ng JO1 Trainees Class DUMAPILAK 2021. Sino ang magwawagi? Abangan!
 
[powr-media-gallery id="cd3452b0_1629273669301"]
 
ALPHA versus BRAVO
 
Pagkakaisa at diskarte ang ipinamalas ng mga JO1 Trainees sa naganap na e-sports na tinawag na "Mobile Legends Tournament". Ito ay bahagi pa din ng Palarong Pinoy 2021 para sa mga bagong Jail Officers.
 
Sa huli, nagwagi ang Bravo Company ng Class Dumapilak ng BJMP MIMAROPA. VICTORY!
 
[powr-media-gallery id="ddb1c532_1629273727103"]
 
KAINAN NA!
 
Sa larangan naman ng pagluluto, nagpakitang gilas din sa kompetisyon ang Alpha at Bravo Company ng Class Dumapilak 2021.
 
Ito ay bahagi pa din ng isang linggong padiriwang ng Buwan ng Wika at Palarong Pinoy 2021 sa BJMP MIMAROPA.
 
[powr-media-gallery id="d08d2942_1629273823149"]